yen-copy

BUMALIK na sa wakas si Yen Santos sa primetime bilang kabituin sa Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales at Arci Muñoz.

Nang sumali sa cast ng soap noong huling linggo ng Oktubre bilang friendly damsel-in-distress na si Issa Ordoñez, agad na napansin ng netizens si Yen at pinuri ang kanyang mahusay na pagganap at tayming sa mga nakakatawang eksena.

Marami ang nagsasabi na lalo pa siyang humusay sa kanyang craft at nadagdagan ang brilyo ng kanyang pagiging star simula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya noong 2010.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pagsali ni Yeng sa Magpahanggang Ngayon, umakyat pa ang solid following nito at lalong lumakas ang ratings. Nakakuha ng strong pilot episode rating na 25.1% at umakyat hanggang sa 26.8 noong September 20, ayon sa data ng Kantar Media, ang show.

“Hindi ko po in-expect na papasok ako sa show. Biglaan lang po talaga. Nu’ng sinabi sa ‘kin na-excite po ako, sobra, kasi gusto ko po talagang makatrabaho si Echo,” pahayag ng dalaga.

Ito ang unang pakikipagtrabaho niya kay Jericho.

“Thankful po ako kasi ang bilis ko po naging komportable sa kanya, kasi ang bait niya. Ang gaan niya po katrabaho,” ani Yeng.

Hindi na bago sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 housemate na maitambal sa bankable leading men sa primetime.

Unang naging leading lady si Yen noong 2014 sa local adaptation ng Korean series na Pure Love katambal sina Joseph Marco, Matt Evans at Arjo Atayde, kasama si Alex Gonzaga.

Noong nakaraang taon, muli niyang pinatunayan ang kanyang acting prowess sa primetime soap na All of Me with JM de Guzman and Albert Martinez.

Samantala, bukod sa primetime soap, mapapanood din si Yen bilang leading lady ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual sa Once In A Lifetime na kinunan pa sa New Zealand ilang buwan na ang nakararaan ang major parts nito.

Masayang ibinalita ni Yen na 60% na ng pelikula ang natatapos nila.

“Sobrang memorable po ng experience kasi first movie ko po ito, sa New Zealand pa at si Papa P pa ang kasama ko,” nagba-blush na sabi ng dalaga.

Inamin niya na nahirapan siya sa naturang pelikula dahil, “Natutulala po ako palagi kay Papa P. Sobrang guwapo n’ya po. Sobrang surreal lahat.”

Love story ang Once In A Lifetime na wala pang playdate, ayon kay Yen.

Pero regular pa rin siyang napapanood sa Magpahanggang Wakas every weekdays pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

(ADOR SALUTA)