Magsisilbing inspirasyon kay Philippine national football squad team captain Phil Younghusbands ang nalalapit nito na pakikipag-isang dibdib sa nobya na gymnast sa kanyang pagnanais maitulak ang nagbabagong bihis na Azkals sa panibagong kasaysayan sa pagsabak ngayon sa AFF Suzuki Cup sa Philippine Sports Stadium.

“Hopefully, I hear my wedding bells next year,” sabi ni Younghusband sa ginanap na pre-match conference sa unang laban nito kontra sa Singapore. “It remains as my inspiration along with the team succeeding in this tournament. I hope we have the trophy come that precious time,” sabi pa ni Younghusband.

Optimistiko naman ang koponan partikular na si Azkals head coach Thomas Dooley na makakapagtala ng dalawang importanteng panalo kontra sa powerhouse na Singapore, Indonesia at Thailand.

Habang isinusulat ito ay makakasagupa ng Azkals ang kalapit-bansa na Singapore sa una sa tatlo nitong laban sa pang-rehiyon na torneo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The team is in great shape. We had a much better chemistry now in and out of the court. We talk a lot now about or chances and how to improve our games and achieve our goals,” sabi ni Dooley. “Our level of confidence is high. We made adjustment when we play against North Korea and I could see the change in the team.”

Hindi naman makakasama ng Azkals si Javier Patino na hindi maaring maglaro sa torneo dahil sa hindi kinikilala ng internasyonal na asosasyon na FIFA ang torneo o wala sa regular nitong kalendaryo.

Hindi din makakalaro sina Daisuke Sato at Simone Rota dahil sa kanilang club commitment at injury habang nagretiro na rin sina Rob Gier, Jerry Lucena at Juani Guirado.

Matindi naman ang problema ng Indonesia matapos na hindi nito makuha ang ilang manlalaro na hindi pinayagan ng kanilang mga club team na makasama sa koponan para sa torneo.

“We don’t have two important in our lineup as they were not allowed by their mother team,” sabi lamang ni Indonesia coach Alfred Reidl.