WASHINGTON (Reuters) – Pinapalawak ng Vietnam ang runway nito sa islang inaangkin sa South China Sea bilang tugon sa pagtatayo ng China ng military facilities sa mga artipisyal na isla sa rehiyon.
Ipinakita sa mga imahe sa satellite na nakuha ngayong buwan na pinahaba ng Vietnam ang runway nito sa Spratly Island mula sa halos 760 metro ay mahigit 1 km na ito ngayon, sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative ng Washington noong Huwebes
Ayon sa AMTI, proyekto ng Center for Strategic and International Studies think tank, na ang patuloy na reclamation work ay posibleng nangangahulugan na ang runway ay pinalawak sa mahigit 1.2 km. Ayon dito, kayang i-accommodate ng upgraded runway ang maritime surveillance aircraft at transport planes, at combat aircraft.