Isang hinihinalang drug pusher ang napatay makaraang manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa kanyang mga ka-pot session sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Agad ikinamatay ni John Mark Sicat, 35, ng 994-E Hermosa Street, Tondo, Maynila, ang tama ng bala sa dibdib at balikat.

Sa pamamagitan ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct (PCP) na sakop ng MPD-Station 7, sa pangunguna ni Police Chief Inspector Manny Israel, sisilbihan sana ng warrant of arrest sina Alfred Basilisa at Jervin De Vera, residente rin ng naturang lugar, dahil sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagkataon umanong nagpa-pot session sina Sicat, Basilisa, De Vera, at isang Arbelboy Aquino kaya’t pagtapak pa lamang ni PO2 Ronald Gamayon sa bahay ng una ay sinalubong na ito ng mga putok ng baril na naging dahilan upang magpaputok din ang mga pulis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ng mga pulis ang suspek na duguang nakahandusay habang nakatakas naman ang mga kasama nito na silang target ng warrant of arrest.

Narekober sa pinangyarihan ang isang sumpak, isang shot gun, pitong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

(Mary Ann Santiago)