Schedule of events
1:30 p.m. – Fans’ photo-op & autograph signing with the Stars
3 p.m. – Spikers’ Turf
All-Star Game
5 p.m. – Awarding of plaques – Spikers Turf Stars & event Partners
5:15 p.m. – Shakey’s V-League All-Star Game
7:15 p.m. – Awarding of plaques – Shakey’s V-League Stars
Inaasahang magiging maigting ang labanan bagamat isa lamang exhibition match ang idaraos na Shakey’s V-League All-Star Game dahil sa gagawing pagpapakitang-gilas ng mga manlalaro upang bigyang kasiyahan ang fans sa idaraos na charity game ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pangungunahan nina Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference Finals MVP Michelle Gumabao at Conference MVP Alyssa Valdez ang magkalabang koponan sa event na inorganisa ng Sports Vision sa tulong ng Shakey’s para makapagpasalamat sa mga fans at makalikom ng pondo na ilalaan sa mga naging biktima at nasalanta ng super bagyong Lawin.
Maghaharap ang dalawang koponan sa ganap na 5:15 ng hapon.
Bago ang laro, magkakaroon ng tsansa ang fans na makasama ang kanilang mga paboritong manlalaro sa mga gagawing fun games bukod pa sa pagkakataong makapagpakuha ng larawan at makakuha ng kanilang autographs mula alas-1:30 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon.
Magkakaroon din ng Spiker’s Turf All-Star match na gaganapin ng 3:00 ng hapon.
Makakasama ni Gumabao sa koponang tatawaging Team Palaban ang Pocari teammates na sina Myla Pablo, Gyzelle Sy at libero Melissa Gohing, Jia Morado ng Ateneo, Diana Carlos, Marianne Buitre at Isa Molde ng UP, Cherry Rondina at Ria Meneses ng UST, Amy Ahomiro ng Balipure at Toni Basas ng FEU.
Makakasama naman ni Valdez sa koponang tatawaging Team Puso sina Dzi Gervacio at libero Denden Lazaro ng BaliPure, Jessica Galanza at Wenneth Eulalio ng Laoag, Jocemer Tapic at Wendy Semana ng Air Force, EJ Laure ng UST, Fenela Emnas ng Customs, Nicole Tiamzon ng UP, Remy Palma ng FEU at Elaine Kasilag ng Pocari.
Ang champion coach ng Pocari na si Rommel Abella ang gagabay sa Team Palaban katulong sina coach Jerry Yee ng UP at Kungfu Reyes ng UST habang si Laoag coach Nes Pamilar, Air Force mentor Jasper Jimenez at Sherwin Meneses ng Customs ang magiging mentor ng Team Puso.
Magtutuos naman ang Team Hataw at Team Galaw sa Spikers’ Turf All-Star, Bubuuin ang unang koponan mula Open at Reinforced Conference champion Air Force na sina Jessie Lopez, Louie Chavez, Reyson Fuentes, Jeffrey Malabanan at Mark Alfafara kasama sina Ismail Fauzi at Bryan Bagunas ng NU, Edward Ybanez at Vince Mangulabnan ng Cignal, Berlin Paglinawan ng Champion Supra, Patrick Rojas ng Army at Kheeno Franco ng Instituto Estetico Manila.
Magsisilbing coaches nila sina Rhovyl Verayo ng Air Force, Dante Alinsunurin ng NU at Norman Miguel ng Champion Supra.
Maglalaro para sa Team Galaw sina Mark Espejo, Ish Polvorosa at Rex Intal ng Ateneo, Raymark Woo at Geuel Asia ng La Salle, Ysay Marasigan at Peter Torres ng Cignal, Howard Mojica at Rodolfo Labrador ng Air Force, Greg Dolor ng IEM, Alfred Valbuena ng UP at Jason Uy ng Army.
Tatatyo naman coaches nila sina Cignal coach Macky Carino, Oliver Almadro ng Ateneo at Jun Balubar ng IEM. (Marivic Awitan)