Darating sa bansa ang mga opisyales sa sports mula Russia na nag-oorganisa ng Children of Asia International Youth Festival upang mag-obserba at mapanood mismo ang pagsasagawa at pag-iimplementa ng grassroots sports development sa bansa na Philippine National Youth Games – Batang Pinoy na gagawin sa Tagum City.

Napag-alaman ito kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Celia Kiram matapos ang isinagawa na technical meeting para sa gaganaping isang linggong torneo na tampok ang 26 na paglalabanang sports simula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2.

“Our Russian friends, who included our country in the Children of Asia International Sports Festival, want to see how we conduct our games and choose our athlete that we sent to their quadrennial event,” sabi ni Kiram.

Matatandaang nagpadala ang Pilipinas ng delegasyon sa una nitong pagsali sa 6th Children of Asia international Sports Games na ginanap sa Yakutsk, Sakha Republic sa Russia noong Hulyo 5 hanggang 17 kung saan tumapos na ika-20 ang bansa sa pag-uwi ng 1 ginto, 1 pilak at 4 na tanso para sa anim na medalya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi ng ginto ang Pilipinas sa Boxing Boys (54 kg) mula sa 16-anyos na si Christian Pitt Laurente at sa track and field athletics Boys, steeplechase 2,000 m kay Eduard Buenavista sa paglahok sa 9 sa kabuuang 16 na sports na paglabanan na wrestling, swimming, archery, chess, athletics, boxing, judo, table tennis at taekwondo.

Ang apat na tanso ay iniuwi ng Track and field athletics Girls 100m mula kay Samantha Limos at athletics Boys 200 m, Taekwondo (WTF) Girls 55 kg at Swimming Girls butterfly 200m.

Samantala’y kinumpirma din ang pagdating at pagbibigay inspirasyon ni eight-time at World Boxing Organization (WBO) Welterweight champion Senador Manny Pacquaio sa mahigit sa 14,00 kalahok sa Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City. (Angie Oredo)