John Wall,Goran Dragic

HOUSTON (AP) – Nagsalansan si James Harden ng 31 puntos at 10 assist para sindihan ang pagsambulat ng Rockets kontra Utah Jazz, 111-102, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Clint Capela ng 20 puntos mula sa 10-of-19 shooting, habang kumana si Eric Gordon ng 20 mula sa bench para sa ikaapat na panalo sa huling limang laro ng Rockets.

Nanguna si Rodney Hood sa Jazz sa naiskor na 25 puntos, habang nalimitahan si Gordon Hayward sa apat na puntos.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

HEAT 114, WIZARDS 111

Naitala ng Miami Heat ang pinakamataas na iskor sa kasalukuyan at ikalawang sunod na panalo nang ungusan ang Washington Wizards.

Hataw si Hassan Whiteside sa naiskor na 18 puntos at 18 rebound para masundan ng Heat ang panalo sa Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Goran Dragic sa natipang 22 puntos sa Heat, habang kumana si James Johnson ng 17 puntos.

Umiskor ng double digit ang lahat ng Heat starter, kabilang sina Dion Waiters na may 16 puntos, Josh Richardson na may 15 at Derrick Williams na kumana ng 12.

Nabalewala ang matikas na opensa nina Washington stars John Wall at Bradley Beal na parehong kumuba ng season-high 34 at 31 puntos, ayon sa pagkakasunod.

CELTICS 94, PISTONS 92

Sa Michican, naisalpak ni Al Horford ang jumper may 1.3 segundo para maungusan ng Boston ang Detroit.

Naglaro sa kauna-unahang pagkakataon bunsod ng concussion sa ensayo, kumana si Horfoed ng 18 puntos at 11 rebound para maagang mabawi ng Celtics ang kabiguan sa Golden State Warriors.

Nanguna si Isaiah Thomas sa nakubrang 24 puntos at walong assist, habang tumipa si Avery Bradley ng 13 puntos para sa Boston.

PELICANS 121, HORNETS 116 (OT)

Bumalikwas ang Pelicans mula sa 14 puntos na paghahabol sa fourth period para magapi ang Charlotte Hornets sa overtime.

Ratsada si Anthony Davis sa naiskor na 38 puntos at 16 rebound para sa ikalawang sunod na panalo ng Pelicans ngayong season.

Nag-ambag si Langston Galloway ng 23 puntos mula sa bench.

Matapos ang impresibong panalo sa Portland, patuloy ang mainit na opensa ni Jrue Holiday matapos hindi makalaro sa unang dalawang match ng Pelicans, sa naiskor na 22 puntos at siyam na assist.

Nanguna sa Charlotte si Kemba Walker na may 25 puntos.