Nagkakahugis na ang isinusulong na Charter Change o Cha-Cha ng Kongreso matapos idaos ang ikalimang konsultasyon ng House committee on constitutional amendments.

Nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa pagbabago ng Saligang Batas ang political experts mula sa academe at local government organizations.

Sinabi ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng komite, na sa pag-amyenda ng Konstitusyon ay higit na pagtutuunan ng pansin ang estratehiya upang malunasan ang kahirapan, palakasin ang competitiveness at pagiging self-reliant ng mamamayan upang hindi laging umaasa sa ayuda ng ibang bansa. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji