Ipinasa ng House committee on youth and sports development ang panukalang magkakaloob ng mga insentibo sa mga donor ng mga atletang nagkamit ng medalya sa Summer Olympic Games.

Layunin ng HB 4054 na pinagtibay ng komite ni Abono Party-list Rep. Conrado M. Estrella III na magkaloob ng tax incentives sa mga indibidwal at korporasyon na magbibigay ng donasyon, kontribusyon at grants sa mga atletang Pilipino na nanalo sa Summer Olympic Games.

Sa panukalang inakda nina House Speaker Pantaleon D. Alvarez (1st District, Davao del Norte), Majority Leader Rodolfo C. Fariñas (1st District, Ilocos Norte), Minority Leader Danilo E. Suarez (3rd District, Quezon) at maraming iba pa ay mahihikayat ang mga tao na suportahan ang pagsisikap ng mga atleta na magbigay ng karangalan sa bansa.

(Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'