Nakatutok ang Provincial Government of Davao del Norte na isa sa limang inaasam na maging regional training center sa bansa sa binubuo ng Philippine Sports Commission (PSC) na pambansang programa sa sports na Philippine Sports Institute (PSI).

Ito ang sinabi mismo ni Davao del Norte Governor Anthony Del Rosario sa isinagawa na memorandum of agreement signing para sa pagho-host nito sa Batang Pinoy 2016 National Championships simula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2 sa Tagum City.

“We are appealing to the good PSC Chairman William “Butch” Ramirez to have one of the proposed regional training centers be built around here,” sabi ni Del Rosario.

Ipinagmalaki ni Del Rosario ang matinding pagnanais ng kanyang lugar na makahanap ng mga pambansang manlalaro mula sa rehiyon sa pagsasagawa nito ng maraming torneo at aktibidad para sa mga kabataan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Isa lamang sa nais ni Del Rosario na maisagawa sa rehiyon ang pagho-host sa Philippine National Games sa taong 2017, ang 10th Bimp-Eaga Friendship Games sa 2018 at ang prestihiyosong Southeast Asian Games sa 2019.(Angie Oredo)