angel-aquino-copy

NAGKASUNUD-SUNOD ang mga pahayag ng pagkontra at pagkondena ng mga prominenteng personalidad sa pasekretong pagpapalibing kay dating Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nauna si Vice President Leni Robredo at mga senador na sina Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at marami pang iba. Sumunod na nagpahayag ng sentimiyento sina Ces Drilon at Jim Paredes.

Hindi rin nagpahuli ang mga taga-showbiz na sina Angel Aquino, Bianca Gonzales, Agot Isidro, Dindi Gallardo at maging si Enchong Dee.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kagaya ng higit na nakakaraming mga Pinoy, ikinabigla nila ang tila panakaw na paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Batay sa mga ulat, ibiniyahe ng pamilya Marcos ang mga labi ng dating pangulo sa pamamagitan ng helicopters mula Ilocos Norte patungong Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Buong puwersa namang inaantabayan ang rites ng Philipppine National Police, at armed forces.

Buong tapang na nag-tweet ni Enchong na pinananindigang si Marcos ay “thief, murderer, at diktador” kaya wala itong puwang sa LNMB.

Noon pa man ay kilala nang aktibista si Bianca Gonzales at matatapang ang statements sa iba’t ibang isyung panlipunan. Nag-post siya ng kuha sa rally ng mga estudyante sa Edsa People Power Monument na may quote mula sa statement ni Vice President Robredo na: “He is no hero. If he were, obviously his family would not have to hide his burial like a shameful criminal deed.”

Marami ang nadala sa madamdaming pahayag ni Angel Aquino sa kanyang Instagram post na may larawan din ng mga nagra-rally na tumutuligsa sa paligim na Marcos burial.

“When our feelings are as dark as the shirt on our back because we’ve been spat on, mocked and ridiculed, all we see is the red in our flag. These are times of discomfort and dissent, please ‘wag tayong tumigil until we are heard.

“Tayo naman ang pakinggan nila because so far they haven’t made any real and good decisions for us. They trivialize our history, our struggles, our lives as Filipinos.

“‘Wag tayo tumigil. This is as much our country as theirs. Our land, our money, our rights. We’ve been passive for too long. Enough.” (JIMI ESCALA)