Inaasahang magbabalik sa world ranking si dating WBC flyweight champion Sonny Boy Jaro matapos talunin sa 10-round unanimous decision si Marjun Pantilgan upang matamo ang bakanteng WBC International super flyweight title nitong Nobyembre 16 sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City.

Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ni Jaro mula nang ma-upset ni Gerpaul Valero sa 10-round split decision noong 2014 sa Cebu City kaya tiyak na magbabalik siya sa Top 15 ranking ng WBC sa super flyweight division.

Nakatala ngayon si Jaro na No. 21 sa bantamweight division ng WBC na kampeon si Shinsuke Yamanaka ng Japan pero mas pinili niyang magbalik sa 115 pounds division na kampeon ang walang talong si Roman Gonzalez ng Nicaragua.

Pinaglaruan lamang ni Jaro ang knockout artist na si Pantilgan sa loob ng 10 round kaya nagwagi sa mga iskor na 99-92, 96-94 at 97-93.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napaganda ng 34-anyos na si Jaro ang kanyang rekord sa 43-13-5 , tampok ang 30 knockout, samantalang bumagsak ang 22 anyos na si Pantilgan sa 11-4-0. (Gilbert Espeña)