UNITED NATIONS (AP) — Sa halip na pag-isipan ng mga bansa na tumalikod sa International Criminal Court (ICC) ay dapat na tumulong sila upang mapabuti ang sistema nito, sinabi ng tagapagsalita ng United Nations nitong Huwebes.

Sinabi ni Farhan Haq na batid ng UN ang mga ulat na pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas ang Pilipinas sa International Criminal Court ngunit hindi pa ito nakapag-isip at hindi pa sila nakatatanggap ng pormal na komunikasyon mula sa bansa. Hinimok niya ang Pilipinas at iba pang bansa na pag-isipan itong mabuti.

“It’s clear from what the leaders have said that there are many, many governments who believe that there’s a problem.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

What we’re saying is what you do with that is you work to improve the system,” ani Haq.

Naunang nagpahayag ang South Africa, Burundi at Gambia ng plano na kumalas sa katwirang nagiging unfair ang korte sa mga African nations. Sa ngayon, lahat ng mga paglilitis sa ICC ay nakatuon sa mga krimen sa Africa.

Inisnab ng Russia, na hindi kasapi ng ICC, ang korte sa paglagda ni President Vladimir Putin ng simbolikong kautusan na kumakalas sa korte noong Miyerkules.

Kabilang ang United States, China at Syria sa mga nasyon na hindi lumagda sa korte.

Ipinagtanggol ni Haq ang Hague-based court na itinayo noong 2002 bilang “one of the very first that can really hold different parties and even leaders accountable for the worst international crimes.”

“It deserves our whole hearted support. If there are problems with the court, if countries have any real grievance of a perception of bias, what we encourage is for them to work it out within the system,” dagdag niya.