Nagsagawa ng pinal na inspeksyon ang mga opisyal ng Philippine National Railways (PNR) sa riles ng tren patungong Bicol para sa planong pagbabalik ng biyahe ng Bicol Express Service ng tren sa Disyembre 15.

Pinangunahan ni PNR Acting General Manager Josephine Geronimo ang inspeksyon. Sumakay ang mga opisyal sa tren patungo sa lungsod ng Naga sa Camarines Sur.

Ayon kay Geronimo, mahalaga na personal niyang masuri ang nasabing tren upang makita kung handa na ang riles na daraanan ng express service.

Nabatid na bukod sa 377 kilometrong riles, kabilang din sa mga ininspeksyon ay ang mismong tren at rolling stock.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nais ng PNR na maibalik ang biyahe ng mga tren nila sa Bicol sa lalong madaling panahon upang makatulong sa mga pasahero ngayong holiday season.

Natigil ang biyahe ng tren mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Legaspi City, Albay noong 2012 matapos madiskaril ang isa sa mga tren nito sa Quezon Province na ikinasugat ng siyam na pasahero. (Mary Ann Santiago)