NEWTON, Mass. (AP) – Pararangalan ng NCAA ang dating baseball captain ng Boston College na naging inspirasyon ng mga tao sa buong mundo upang magbuhos ng isang timbang ice water sa kanilang mga ulo upang makalikom ng milyun-milyong dolyar para sa Lou Gehrig’s Disease research.

Si Pete Frates ay 27 anyos noong 2012 nang siya ay masuri sa sakit, na kilala rin bilang amyotrophic lateral sclerosis o ALS.

Sinabi ng NCAA noong Huwebes na tatanggapin ni Frates ang 2017 Inspiration Award sa Enero.

Si Frates ay nagmula sa Beverly, Massachusetts. Matapos masuring may ALS, inialay niya ang sarili sa mga pagsisikap na makahanap ng lunas sa neurodegenerative disease, na nagpapahina sa kalamnan at nagiging muscles at sinisira ang physical functioning.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang ALS Ice Bucket Challenge ay lumikom ng mahigit $220 million noong 2014. Nagsimula ito sa pagpaskil ng mga tao ng videos nila na binubuhusan ng malamig na tubig at hinahamon ang kanilang mga kaibigan na gawin din ito.