gladys-kasama-sina-inah-at-jake-copy

ISA si Gladys Reyes sa mahuhusay na young contravida sa showbiz. Aminado siya na kahit acting lang naman ang trabaho nila, nai-stress din siya kapag may mga eksena siyang nagagalit o nagtataas ng boses o nananakit ng kaeksena.

Napapanood ngayon si Gladys sa afternoon prime drama na Oh, My Mama na pinagbibidahan ni Inah de Belen sa direksiyon ni Neal del Rosario sa GMA-7. Four months preggy ngayon si Gladys, kaya natanong kung hanggang kailan siya magti-taping ng kanilang serye.

“Hanggang kaya ko,” natatawang sagot ni Gladys. “Ang bait sa akin ng mga writers ng aming serye dahil mabait ang role ko rito bilang si Inday, best friend ni Gordon (Epy Quizon), ang beking mama ni Maricel (Inah). Kaya hindi ko kailangang magalit, hindi ko kailangang manakit, relax lang ako sa acting ko. Kahit may eksenang iyakan, hindi masyadong mabigat. Alagang-alaga rin ako ng mga kasama ko sa set.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kumusta naman ang tatlong bagets na kasama nila sa serye, sina Jake Vargas, Jeric Gonzales at Inah?

“Mababait ang mga young stars na kasama namin dito, magagalang at mahuhusay na artista. Hindi ako nakaranas na ma-snob nila, tulad ng ibang mga young stars na na-encounter ko na na hindi man lamang marunong bumati o magbigay ng respeto sa mga tulad naming senior na sa kanila. Ako naman, hindi mo na kailangang bumeso, iyong simpleng pagbati lang nila ng ‘hello po,’ okey na sa akin ‘yon. Pero silang tatlo, mababait at marunong rumespeto, kaya wala akong problema sa kanila.”

Sa ngayon ay mahihirap na ang eksena nina Inah, Jake at Jeric, paano nila sinusuportahan ang tatlong young stars, lalo na si Inah na grabe ang pahirap na inaabot sa mga namumuno sa toy factory, tulad ni Yul Servo, na siyang head ng sindikato?

“Nagbibigay din naman kami ng pointers sa kanila, lalo na kung mahirap talaga ang eksena. Nakakaawa mga eksena ni Inah, pero anak nga siya ni Janice de Belen, ang husay niyang mag-deliver ng dialogues, ang husay niyang umiyak.

Sina Jake at Jeric, very sensitive din sa mga eksena nila, kaya nakakatuwa silang panoorin kapag sama-same kami sa location, makikita mo ang pag-improve ng acting nila.”

Napapanood ang Oh, My Mama araw-araw, pagkatapos ng Eat Bulaga. (Nora Calderon)