Patuloy ang pamamayagpag ng Centro Escolar University matapos idiskaril ang Technological Institute of the Philippines, 65-56, nitong Huwebes sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) seniors basketball sa Olivarez College gym.
Pinangunahan nina Rodrigue Ebondo at Jason Opiso ang ratsada ng Scorpions para maitarak ang 10 sunod na panalo at masiguro ang top seeding sa semifinals.
Kumawala sina Opiso at Ebondo sa natipang tig-walong puntos sa krusyal na 17-6 run para sa 63-53 bentahe may 2:22 sa final period.
Kumana si Opiso ng 18 puntos at 17 rebound, habang tumipa si Orlan Wamar ng 15 puntos at kumubra si Ebondo ng 12 puntos at 10 rebound para sa CEU.
“Marami pa kaming kailangang i-correct,” sambit ni CEU coach Yong Garcia. “Naging complacement kami. Wala kaming time para mag-relax. Kailangan naming ibigay ang lahat para ma-build ‘yung character namin.”
Nanguna sa Engineers (6-3) si John Enriquez na may 14 puntos.
Iskor:
CEU 65 — Opiso 18, Wamar 15, Ebondo 12, Manlangit 10, Casino 3, Guinitaran 3, Aquino 2, Fuentes 2, Arim 0, Umeanozie 0, Saber 0, De Leon 0, Veron 0.
TIP 56 — Enriquez 14, Santos 8, Napoles 7, Okoronkwo 7, Pinas 6, Diego 5, Akpuru 3, Rosopa 2, Gadon 2, Jimenez 2, Matignas 0.
Quarterscores:
17-13; 35-26; 44-44; 65-56.