Sampung taong bisa sa pasaporte ng mga Pilipino na nasa hustong gulang at limang taon naman para sa mga menor de edad.

Ito ang tinatrabaho ng technical working group (TWG) ng House Committee on Foreign Affairs na pinag-isa ang 22 panukalang batas para sa 10-year validity ng Philippine passport.

Pinagtibay ng TWG sa pamumuno ni Deputy Speaker at Pampanga Second District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mga panukalang amyendahan ang Republic Act 8239 (Philippine Passport Law) upang pahabain pa ng limang taon ang bisa ng mga pasaporte.

Punto ni Arroyo, masyadong maikli ang kasalukuyang limang taong passport validity. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!