Sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at apat na sundalo ang napatay sa matinding bakbakan sa Patikul, Sulu, kahapon ng umaga.
Ipinahayag ni Army Major Felimon I. Tan Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na nagpapatrulya ang tropa ng 35th Infantry Battalion nang makasagupa ng mga ito ang mahigit 150 bandido, na pinangunahan ni ASG Leader Radullan Sahiron, sa Sitio Dyundangan, Barangay Buhanginan, Patikul.
Sampung bandido ang namatay at hindi mabilang ang mga nasugatan.
Sa panig naman ng gobyerno, apat na sundalo ang namatay at siyam ang sugatan sa halos 45 minutong sagupaan.
(Francis T. Wakefield)