CAPE CANAVERAL, Fla. (AP) — Ang NASA astronaut na si Peggy Whitson ang magiging oldest woman in space.

Si Whitson ay 56 anyos na sa paglipad ng rockets sa Huwebes. Ipagdiriwang niya ang kanyang 57th birthday sa Pebrero sa International Space Station.

Malayo ito sa space shuttle flight ni John Glenn sa edad na 77. Ngunit sapat na para lampasan ang record ni Barbara Morgan bilang world’s oldest spacewoman sa edad na 55 noong 2007.

Ito na ang ikatlong space station mission ni Whitson, biochemist na tubong-Iowa, at ikalawa niya bilang commander.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Lilipad siya mula sa Kazakhstan kasama ang dalawang mas batang lalaki, isang Russian at French. Makakasama nila sa space station ang isang American at dalawa pang Russian.

Magaganap ang launch ng 3:20 ng hapon (EST), Huwebes, 2:20 ng umaga ng Biyernes sa Baikonur Cosmodrome, Kazakhstan.