SAN FABIAN, Pangasinan – Isang registered nurse na hinihinalang abortionist ang inaresto ng mga operatiba ng Laoag City Police sa entrapment operation sa Barangay 8 sa nabanggit na lungsod sa La Union.

Ayon kay Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag Police, tumanggap siya ng magkakasunod na impormasyon tungkol sa ilegal na aktibidad sa Vigare Clinic sa Bgy. 8 kaya kaagad na nagsagawa ng surveillance ang pulisya.

Mabilis na ikinasa ang entrapment operation matapos maiulat na may fetus na natagpuan sa Saint William Cathedral sa Laoag noong nakaraang linggo.

Arestado si Mary Jean Lagmay, 48, registered nurse at resident nurse sa Vigare Clinic ni Dr. Teresita Vigare.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagpositibo ang entrapment hanggang sa nagpakilalang pulis ang nagpanggap na asawa ng buntis na sibilyan at dinakip si Lagmay dakong 6:00 ng gabi nitong Miyerkules sa loob ng klinika.

Nakumpiska sa suspek ang mga gamit sa aborsiyon na isang D5LR dextrose, siyam na vial ng Popicin (Oxytocin), isang tableta ng Cytotec, isang vial ng Ambidol, isang disposable syringe, dalawang P1,000 bill, at P10,000 boodle money na ginamit sa entrapment.

Batay sa pagsisiyasat ni Balles, nasa P12,000-P15,000 ang ibinabayad ng mga gustong magpalaglag ng sanggol, na karamihan ay teenager.

Aminado naman umano si Lagmay na bago ang entrapment ay nakapagsagawa na siya ng aborsiyon sa limang babae.

Kinasuhan na kahapon ang nurse ng intentional abortion at paglabag sa Article 259 (abortion practiced by a physician or midwife and dispensing of abortives) ng Revised Penal Code at RA 10354 (Responsible Parenthood and Reproductive Health Law).

Pananagutin din si Dr. Vigare sa pagpapagamit ng kanyang klinika sa aborsiyon, ayon kay Balles. (Liezle Basa Iñigo)