nicole-copy

INIHAYAG ni Nicole Kidman na nang makita niya ang kababaihan at mga bata na naging biktima ng karahasan sa Kosovo sampung taon na ang nakararaan, nagpasya siya na ang isa sa pinakamahalagang magagawa niya sa kanyang buhay ay tulungan sila.

Ibinahagi ng Academy Award-winning actress sa fundraising dinner noong Miyerkules ng gabi bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng UN Trust Fund to End Violence against Women, na siya ay nagsasalita para maging boses “for the women who don’t have a voice.”

Ayon sa United Nations, isa sa tatlong babae ngayon sa buong mundo ang nakararanas ng physical o sexual violence – na madalas na kagagawan ng kanilang karelasyon.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Hinimok ng goodwill ambassador for UN Women na si Nicole ang mga bisita “to undo your wallets,” at sinabi na ang kababaihan “need us who have the ability, who have the money,” para matulungan sila.

Inihayag ng UN Women na nakalikom ang dinner ng mahigit $105,000 kabilang ang $50,000 na donasyon mula kay Nicole Kidman.

Ayon sa UN Women, sa loob mahigit dalawang dekada ay tumutulong at sumusuporta ang trust fund sa 426 organisasyon sa 136 na bansa at teritoryo at may grants na lampas sa $116 million.

Nakatuon ang mga programa sa pagpapatigil ng karahasan, pagpapatupad ng batas at polisiya, at pagpapabuti sa access sa mga pinakamahalagang serbisyo para sa mga iniligtas mula sa karahasan.

Sabi ni UN Women’s Executive Director Phumzile Mlambo-Ngcuka: “We know that these vital investments in initiatives to end violence have high returns and have already made a difference to millions of women and girls.” (AP)