Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga nagkakanlong sa dating driver ni Senador Leila de Lima, ang wanted na ngayon na si Ronnie Dayan.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, dahil si Dayan ay may kinakaharap na arrest order mula sa Kamara de Representantes at sentro ng kontrobersiya na may kinalaman sa droga, ang mga nagkakanlong sa kanya ay posibleng maharap sa problemang legal.

Kasabay nito, sinabi ni Lavin na tatlong tracker team ng NBI na ang nakatutok sa paghahanap kay Dayan.

Nakatulong umano ang paglalabas ng P1 milyon reward money ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil dumami ang mga nagbibigay ng impormasyon sa NBI, pero malaking hamon naman ang pagsala sa mga natatanggap na impormasyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Naniniwala rin si Lavin na nasa Pilipinas pa si Dayan at nagpapalipat-lipat lamang ng lugar sa Luzon.

Nakikipag-ugnayan din umano ang NBI sa Sergeant at Arms ng Kamara at posibleng magsagawa sila ng joint operations sa paghahanap kay Dayan. (Beth Camia)