LONDON (AP) — Klasiko ang bawat pagtatagpo nina Andy Murray at Kei Nishikori.
At kabilang sa kasaysayan ang resulta nang kanilang laro sa ATP Finals na itinuturing na pinakamahabang laro para sa three-set match, sa impresibong 6-7 (9), 6-4, 6-4 na tumagal nang tatlong oras, 20 minuto at 45 segundo,
Bunsod ng panalo, tangan ni Murray ang 2-0 at makakausad sa semifinal sa sandaling maipanalo ang laban kontra US champion Stan Wawrinka sa Biyernes.
Sinibak ni Wawrinka si Marin Cilic, 7-6 (3), 7-6 (3) sa larong umabot sa mahigit tatlong oras.
Kung nabigo kay No. 5-ranked Nishikori, mabibitiwan ni Murray ang kampanya sa titulo.
“For the tournament and stuff, for everyone interested in tennis, that would probably be the perfect way to finish the year,” sambit ni Murray.
“For me and, I’m sure, for Novak, both of our goals would be to try to win the event. It doesn’t change for us as players,” aniya.