ISA ang kaibigan naming mambabatas sa pinakitaan ni Pangulong Digong ng kontrobersiyal na kumpletong listahan ng mga taga-showbiz na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kuwento sa amin ng three termer congressman, inisa-isa niyang binasa ang mga pangalan sa listahan at nakahinga siya ng maluwag dahil hindi napasama ang TV host/actor na sa paborito niya.

Pero nalulungkot naman ang kausap namin dahil number one daw sa listahan ang tinitingala raw niyang aktres na kung ilang beses din daw naman niyang nakausap.

Ang alam daw kasi niya ay nagbago na ang aktres.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa pa sa hindi rin niya inaasahan na mapapasama sa listahan ang actor na inidolo ng anak niya. Pero kahit na nga raw ikinuwento na raw niya ‘yun sa panganay niya ay hindi nabawasan ang paghanga nito sa actor.

Maraming showbiz personality sa listahan ang aktibo pa rin, pero may ilan naman na nu’ng banggitin niya sa anak niya ay tinanong siya kung sino ang mga ito.

Kuwento pa ng kausap, may mga kasama siyang kongresista na pinakitaan din ni Pres. Duterte ng nasabing listahan ng drug users at pushers sa show business.

‘’Meron pa ngang kasama namin na parang kinunan pa sa cellphone kamera nila ang nasabing list. Kaya hindi kataka-taka kung one of these days, eh, kalat na kalat na ang list na ‘yun,” sey pa niya. (Jimi Escala)