HINDI hinayaan ni Nicole Cardoves, hinirang na 1st runner up sa Ms. Grand International 2016 sa Indonesia, na maapektuhan siya ng mga negatibong ibinabato tungkol sa kanya.
Inamin ni Nicole sa Manila Bulletin Hot Seat na nagbabasa siya ng mga blog at comments tungkol sa kanya.
“I’m not the popular choice as the winner. Even some Filipino fans I saw it sa blogs na their highest prediction (for me) is top 10.”
Sa halip na ikalungkot, ginamit ito ng beauty queen bilang pampalakas ng loob para lumaban at pag-igihan ang performance sa pageant.
“Sabi ko sa sarili ko, you haven’t meet me in person. You don’t know me. Lalaban ako. Hindi ako papayag na top 10 lang ako.”
Kaya kapag nakikita niya ang trophy na bahagi ng kanyang napanalunan, “I see myself surpassing all the challenges. I see myself going beyond what I am.”
“At the end of the day, it’s not about me anymore, it’s all about the Philippines,” dagdag niya.
Nang tanungin kung ano ang edge ng mga Pinay sa beauty pageants, sabi niya: “It’s because of the spirit and our attitude. It’s what makes a Filipina.”
Ang kanyang payo sa mga nangangarap ding maging beauty queen, “Sometimes life gives you something else usually something better so don’t give up on dreaming just because one of your dream didn’t work out.”
Ibinahagi rin ni Nicole ang kanyang hangarin na maturuan ang kabataan lalo na ang mga mag-aaral sa high school tungkol sa kahalagahan ng kawanggawa partikular ang social entrepreneurship. (Airamae Guerrero)