NAGCARLAN, Laguna – Labing-apat na katao ang nasugatan habang napinsala naman ang anim na tricycle, pitong motorsiklo, tatlong van at tatlong kotse makaraang suruin ang mga ito ng dump truck na nawalan ng preno sa Barangay Poblacion II sa bayang ito, nitong Miyerkules ng umaga.

Sugatan sina Marcelina Ramirez Eusebio, 53; Estelito Esperanzil Aguilar, 57; Rosalyn Conson Alvero, 40; Danilo Juan Delos Santos, 32; Richard Oblece Royo, 21; Hector Bueno Audije, 35; Felix Espedido Brosas, 60; Gerardo Conel Monosca, 50; Roberto Garcia Sotomango; Jeanet Ilagan Talag, 55; Lorna Bonifacio Orphiano, 49; Flaviano Arleta Sollorano, 64; Kim Carlo Zarate Giron, 28; at Jemaeil Comandante Malubay, 32 anyos.

Sa ulat ni Chief Insp. Reynaldo N. Vitto, dakong 9:00 ng umaga at bumibiyahe ang dump truck, na kargado ng buhangin at minamaneho ni Isagani Albor, 53, taga-Bgy. Banilad, Nagcarlan, kasama si Wilfredo Fabroada, 49, helper, taga-Sta. Cruz, Laguna, nang mawalan ito ng preno.

Tuluyang nawalan ng kontrol sa manibela si Albor hanggang sa araruhin ng truck ang hilera ng mga sasakyang nakaparada sa gilid, gayundin ang mga kasalubong nito.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Nasugatan din maging ang truck driver na si Albor at dinala siya ni PO2 Juan Ricardo Bugia sa Nagcarlan District Hospital kasama ng iba pang nasugatan.

Kinasuhan si Albor ng reckless imprudence resulting in multiple damage to property, multiple serious physical injuries at physical injuries. (DANNY J. ESTACIO)