LAUSANNE, Switzerland (AP) — Ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang pagbawi sa medalya ng 10 atleta mula sa 2008 Beijing Olympics matapos magpositibo sa isinagawang retesting ng kanilang samples.

Ayon sa IOC, siyam sa 10 atleta ay nagmula sa dating Soviet nation at pawang nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot, tulad ng steroids.

Walang gold medalist sa listahan, ngunit kabilang sa 10 ang tatlong silver winner sa weightlifting at wrestling.

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

Binawi naman kina track and field star Greek triple jumper Chrysopigi Devetzi at Ukrainian pole vaulter Denys Yurchenko ang napagwagihang bronze medal. Bunsod ng desisyon , makukuha ni Derek Miles ng United States ang bronze medal.

May anim pang atleta na hindi nakapagwagi ng medalya sa 2008 Games ang sinuspinde.

Kabilang sa pinatawan ng banned sina Russia’s Elena Slesarenko at Ukraine’s Vita Palamar. Nabakante rin ang bronze medal position nang suspindihin ng IOC si Russian Anna Chicherova matapos magpositibo sa steroid turinabol.

Ang tatlong silver medalist na nasibak ay sina Azerbaijani wrestler Vitaly Rahimov, Russian wrestler Khasan Baroev at Kazakhstan weightlifter Irina Nekrasova. Higit na apektado ang weightlifting sa isinagawang retesting kung saan umabot sa 22 ang nasibak mula sa 2008 Olympics.