Pinayuhan ng opisyal ng simbahan ang Filipino illegal immigrants o ang mga TNT (tago nang tago) sa United States na huwag nang hintayin na sila ay ipatapon.

Pinaalalahanan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Bishop Ruperto Santos ang mga Pinoy na ito ay para rin sa kanilang sariling proteksyon.

“To protect themselves and not to put their future in danger, we advise them not to wait to be branded undocumented and be deported,” aniya sa isang panayam.

“As before we always remind our OFW to respect culture and customs of those countries and obey their laws,” dagdag ng Obispo ng Balanga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong Martes, nagbigay din ng parehong payo si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello sa Filipino illegal immigrants dahil maaari silang maging blacklisted sa US.

Ayon kay Bello, mas mabuti nang boluntaryong umuwi ang mga sinasabing indibidwal o kumilos para maging legal ng kanilang pananatili sa Amerika.

Nahaharap sa deportasyon ang tinatayang 270,000 undocumented Filipinos sa US sa pinaplano ni President-elect Donald Trump na tugisin ang illegal immigrants. (Leslie Ann G. Aquino)