Isa pang tansong medalya ang naidagdag sa kampanya ng Team Philippines sa 18th Asian Youth (Boys’ & Girls’) Weightlifting Championships & 23rd Asian Junior Women’s & 30th Asian Junior Men’s Weightlifting Championships sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.
Nakopo ni Kristel Macrohon, kababayan ni Rio Olympics silver medal winner Hidilyn Diaz sa Zamboanga City, ang bronze medal sa kanyang weight division.
Napagwagihan ni Macrohon, ilang beses naging rekord holder sa mga weight categories sa PNYG-Batang Pinoy, ang kanyang dibisyon upang maidagdag sa tatlong tanso at tatlong pilak na medalyang naiuwi nang delegasyon mula sa Philippine Weightlifting Association (PWA) sa pamumuno nina Monico Puentevella at Elbert Atilano.
Tumapos si Macrohon na ikatlo sa clean and jerk sa Junior Girl’s 69 kilograms upang iuwi ang ikaapat na tansong medalya para sa bansa.
Napantayan ni Macrohon ang tanso ni Rosegie Ramos sa Youth Girls’ 44 kilograms at dalawa mula kay Paolo Rivera Jr. sa Youth Boys’ 60 kilograms.
Tatlong tanso ang iniuwi ni Dessa Delos Santos sa Girls’ Youth 53kilograms ‘ snatch, clean and jerk at sa total.
Kabuuang 14 na batang lifters sa pagtuturo ni national coach Alfonsito Aldanete, Greg Colonia at Ramon Solis ang sumabak sa torneo na may 14 na bansang kasali. Kasama sa delegasyon sina Elbert at Cecilia Atilano na technical officials habang si Dioscoro Himotas ang Team Manager.
Hangad ng mga batang lifters target na makapagkuwalipika sa 2018 Youth Olympics at sundan din ang nagawa ng kanilang tinaguriang ate na si Hidilyn Diaz na nagwagi sa Rio Olympic Games. (Angie Oredo)