Warriors Raptors Basketball

TORONTO (AP) – Nakabangon ang Golden State Warriors sa maagang paghahabol para mahila ang winning streak sa pamamagitan ng 127-121 panalo kontra Raptors nitong Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Manila).

Hataw si Steph Curry sa natipang 35 puntos para sa Warriors, naghabol sa double digits sa kaagahan ng laro bago nadomina ang Raptors matapos malimitahan sa 15 puntos sa kabuuan ng second period.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Golden States, kabilang ang apat sa road game at kabuuang siyam sa 11 laro.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nag-ambag si Kevin Durant ng 30 puntos, habang kumubra sina Klay Thompson at Draymond Green ng 15 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Natamo ng Raptors ang ikalawang sunod na kabiguan matapos mabigo rin sa Cavaliers.

Nanguna si DeMar Derozan sa Raptors sa naiskor na 34 puntos.

THUNDER 105, ROCKETS 103

Sa Chesapeake Energy Arena, pinutol ng Oklahoma City ang four-game losing skid nang maungusan ang Houston Rockets.

Nagtumpok ng pinagsamang 37 puntos sa first half sina Russell Westbrook at Victor Oladipo para maagaw ang bentahe sa 65-63 sa half time.

Dikitan ang laban sa kabuuan, tampok ang three-pointer ni Oladipo para maitabla ang iskor sa 100-all may tatlong minuto ang nalalabi sa laro.

Tinapos ni Westbrook ang ratsada ng Thunder, kabilang ang slam dunk sa harap ng depensa ni Clint Capela sa krusyal na sandali. Nanguna si Westbrook sa naiskor na 30 puntos.

NUGGETS 120, SUNS 104

Sa Denver, naitala ng Nuggets ang unang panalo sa tahanan nila sa Pepsi Center nang palubugin ang Phoenix Suns.

Ratsada sina Wilson Chandler at Kenneth Faried sa natipang 28 at 20 puntos para tuldukan ang four-game losing skid.

MAGIC 89, PELICANS 82

Sa Amway Center, ginapi ng Magic ang kulang sa player na New Orleans.

Umiskor ng double digit ang anim na Magic, sa pangunguna nina Serge Ibaka at Evan Fournier na may tig-16 puntos.

HAWKS 107, BUCKS 100

Sa Philips Arena, naisalba ng Atlanta Hawks ang matikas na paghahabol ng Milwaukee Bucks para sa ikaanim na sunod na panalo.

Sa isa pang laro, naitala ni Kristaps Porzingis ang career-high 35 puntos sa panalo ng New York Knick kontra Detroit Pistons, 105-102.

Nag-ambag si Carmelo Anthony ng 22 puntos, habang kumubra si Derrick Rose ng 15 puntos.