SAN ANTONIO (AP) – Ipinahayag ng San Antonio Spurs na ireretiro ng koponan ang No.21 jersey ni NBA legend at future hall-of-famer Tim Duncan sa Linggo (Lunes sa Manila).

Si Duncan, nagretiro ngayon season, ang ikawalong Spurs player sa prangkisa ng koponan ang iniretiro ang kanilang jersey number sa likod nina David Robinson, Bruce Bowen, Sean Elliott, George Gervin, Avery Johnson, Johnny Moore at James Sila.

Pinangunahan ni Duncan, No.1 pick sa 1997 NBA Draft, ang San Antonio sa limang titulo, sapat para mabigyan ang koponan ng .710 winning percentage, pinakamatikas sa loob ng 19 taon kasaysayan ng NBA.

Nakalusot ang Spurs sa playoff sa nakalipas na 19 season at naitala ni Duncan ang kasaysayan bilang unang player sa kasaysayan ng liga na nakagawa nito at may tatlong kampeonato.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kanyang huling season sa San Antonio, nailista siya bilang ikatlong player sa NBA na may 1,000 career wins, at tanging player na nagabayan ang koponan sa 1,000 win.

Natulungan niya ang Spurs sa paghakot ng franchise-best 67-15 record sa nakalipas na season, at tanging player na may 26,000 puntos, 15,000 rebound at 3,000 blocks sa likod ng legendary vager na si Kareem Abdul-Jabbar.