Upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad sa karapatan sa seguridad ng mga manggagawa sa lalawigan, nagsagawa ng isang araw na konsultasyon ng ‘endo’ ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Central Pangasinan.

Sinabi ni DoLE Region 1 Director Henry John Jalbuena na 92 kinatawan mula sa 43 principals at 20 kontratista sa security and manpower services, malls, manufacturing, fastfood at general services sa Central Pangasinan ang dumalo sa konsultasyon.

“The consultation series is part of the DOLE-RO I’s Regional Action Plan to carry out the thrust of the new administration to eliminate ‘endo’ and labor-only contracting, which are both illegitimate forms of contracting,” pahayag ni Jalbuena.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa panahon ng konsultasyon, hinikayat ni Jalbuena ang mga nakilahok na tiyaking makatugon sila sa batas ng paggawa at maalis ang labor-only contracting. (Mina Navarro)