Napilitang magsuspinde ng klase ang isang paaralan sa Binondo, Maynila matapos makatanggap ng bomb threat, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Explosives and Ordinance Division (EOD), dakong 9:17 ng umaga nakatanggap ng text message ang officer-in-charge ng Rajah Soliman Science and Technology High School sa Binondo na si Juliet Fajardo.

“May bomb po na sasabog sa rajah sa oras ng break,” saad sa text message.

Dahil dito, kaagad pinalabas ng classroom ang mga mag-aaral at humingi ng tulong sa MPD-EOD.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang rumesponde at ginalugad ng bomb squad ang paaralan at sa kabutihang-palad ay walang nakitang anumang uri ng pampasabog.

Sa kabila nito ay pinauwi na rin ang mga estudyante at kinansela na rin ang mga klase sa hapon. (Mary Ann Santiago)