Isinailalim na sa imbestigasyon ang apat na naarestong miyembro ng big-time drug syndicate na nakumpiskahan ng P225 milyong halaga ng shabu sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng PNP Anti–Illegal Drug Group sa Camp Crame sina Eduardo Dario, 62, ng Marikina City; Rhea May Libira, 20, ng Bulacan; Gemena Rose Codera, 26, tubong Masbate; at John Rey Buncasan, 34, ng Dumaguete City matapos lumabag sa R.A 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.

Sa ulat ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kay NCRPO Director Police Chief Supt. Oscar Albayalde, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa nang sorpresahin ng mga operatiba ng QCPD Special Operation Unit, PNP–AIDG at PDEA SES ang apat na suspek sa kanilang hideout sa No. 1117 Banawe Street, Barangay Manresa, Quezon City.

Bukod sa 45 kilo ng high grade shabu, nakumpiska rin ang 27 pakete ng activated carbon, mga drug paraphernalia, at itim na Mitsubishi Fusion (TQJ 847). (Jun Fabon)

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’