billy-at-coleen-copy

TAHASANG itinanggi ni Billy Crawford na inaresto at ikinulong siya sa Hong Kong nitong nakaraang Holloween.

May lumabas na isyung binastos ang kasintahan niyang si Coleen Garcia ng isang Chinese guy na nakapisikalan daw ni Billy na nauwi sa pag-aresto sa kanya.

Kuwento ni Billy, totoong na-hold sila sa police station dahil sa pambabastos kay Coleen, pero hindi siya ikinulong.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Hindi po ako ikinulong dahil kung nakulong ako, hindi ako makakabalik sa Pilipinas, deported na dapat ako sa United States,” pagwawasto ni Billy na isang American citizen.

Kinumpirma niya na may nangyari ngang kaguluhan dahil nabastos ang kasintahan niya, na dapat din lang naman niyang ipagtanggol. Hindi niya pinalampas anf pambabastos nito.

“It was a verbal altercation between someone there and me. Good thing ‘yung medyo syonga na taong nambastos kay Coleen, nasa harapan mismo ng pulis. So, nakita ng pulis ang pangyayari,” sey ng binata.

Mabuti na lang daw istrikto ang mga pulis sa Hong Kong, kaya maging ang pinakamaliit na sigawan sa kalsada ay dadalhin ka sa presinto.

“For me, I had to protect Coleen. Kababaeng tao, ayaw ko naman mabastos siya. Pero hindi ako nakipag-away. Hindi ako nanuntok, hindi ako nasuntok, walang gulong nangyari,” banggit pa rin ng TV host.

Nagpapasalamat si Billy na nagkataong may mga pulis na nandoon nang mga oras na ‘yun.

“As in masuwerte na lang kami dahil may mga pulis, at sila ‘yung nag-handle ng situation, which was the proper way of doing it. And if it’s done in another country, you have to abide and respect the rules of that country so, we were just complying,” paliwanag pa ni Billy Crawford. (JIMI ESCALA)