CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang isang barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek bago magtanghali nitong Martes sa Barangay Capangdanan, Pinili, Ilocos Norte.
Kinilala ni Chief Insp. Gerardo Antonio, hepe ng Pinili Police, ang nasawi na si Albert Naidas, chairman ng Bgy. Capangdanan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, pasado 11:00 ng umaga at pauwi na si Naidas sakay sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng mga hindi nakilalang suspek na sakay din sa motorsiklo.
Kinumpirma naman ni Chief Insp. Antonio na nasa drug watchlist ng pulisya ang chairman. (Freddie G. Lazaro)