LIMA, Peru (Reuters) – Apat na katao ang namatay sa sunog sa sinehan ng sikat na seaside mall sa Lima nitong Miyerkules, bago ang global summit na magtitipon sa mga pangulo mula sa United States, Russia, China at Japan ngayong linggo.
Sinabi ng gobyerno ni Peruvian President Pedro Pablo Kuczynski na short circuit ang posibleng sanhi ng sunog sa Larcomar shopping center.
Ayon kay Interior Minister Carlos Basombrio, gawa sa flammable materials ang sound-proof walls ng sinehan kaya mabilis na kumalat ang apoy. Patuloy itong sinisiyasat.
Ang shopping center ay nasa tapat ng JW Marriot Hotel na tutuluyan ng karamihan ng foreign leaders na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.