SAN FRANCISCO (AP) – Ipinakakalat ng unyon ng mga public school teacher sa San Francisco ang lesson plan na tinatawag na racist at sexist si President-elect Donald Trump.
Ipinaskil ng United Educators of San Francisco ang lesson plan sa website nito at ipinamahagi sa email newsletter.
Mayroong halos 6,000 miyembro ang unyon. Ang lesson plan ay ginawa ng isang guro sa Mission High School.
Hinihimok ng Nov. 9 plan ang mga guro na kausapin ang mga estudyante tungkol sa kanilang nararamdaman sa resulta ng halalan. Hinihikayat nito ang mga guro na sabihin sa mga estudyante na hindi nila kailangang tanggapin ang resulta, at sa halip ay dapat nilang ipaglaban ang hustisya.
Mahigit 2,000 estudyante ang nag-walk out sa klase noong nakaraang linggo bilang protesta sa bagong pangulo.