‘TIGILAN ang like father, like son.” Ito ang paglalarawan ng mga katoto sa kilalang rock and roll artist na may anak na kamukha rin niya.
Nakitang kumakanta ang anak ng kilalang rock and roll artist sa isang bar pero hindi raw nito nakuha ang galing ng ama sa pagkanta ng rock kundi ang bisyo lang.
“Ang itsura noong kabataan at bisyo ang nakuha nu’ng anak, hindi ang galing ng tatay niya sa pagkanta.
“Waley itong anak ni _____ (pangalan ng rock artist), walang binatbat, parang pilit na pilit na gayahin ang tatay niya. Nag-iisa lang talaga sa genre niya ang tatay niya.
“Maski naman ‘yung mga kasabayan nitong banda na pawang mga sikat din, siya ____ (rock and roll artist) pa rin ang pinakasikat.
“Sayang itong anak, siya sana ang magmamana sa legacy ng ama, kaso waley naman,” mahabang kuwento ng katoto na nakasama rin ang kilalang rock and roll artist.
Pinanood tuloy namin ang video ng anak ng kilalang rock and roll artist, at oo nga, waley na waley sa tatay niya.
Para siyang tagakanto na nakikipag-inuman at sasabayan ng kanta habang tumutugtog ng gitara. (Reggee Bonoan)