Muli na namang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos na isang tren nito ang tumirik kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DoTr), dakong 9:26 ng umaga nang pansamantalang matigil ang operasyon ng MRT-3 sa south bound area ng North Avenue Station dahil sa problemang teknikal.

Napilitang magbaba ng mga pasahero ang naturang tren na kinailangang ibalik sa depot para sa kaukulang pagkukumpuni.

Umabot sa siyam na minuto ang tigil-operasyon ng mga tren kaya humaba ang pila ng mga pasahero.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naibalik ang normal na operasyon ng mga tren dakong 9:35 ng umaga.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City, via Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). (Mary Ann Santiago)