LIMANG beses na higit ang proteksiyong maibibigay ng mga bike helmet na mayroong airbag technology kaysa mga helmet na may matigas na foam, ayon sa mga mananaliksik ng Stanford University.

Ang ganitong uri na inflatable helmet ay hindi maaaring ibenta sa United States dahil sa kasalukuyang federal regulations.

Sinubukan sa dalawang set ng dummy, ang isa ay nakasuot ng standard helmet at ang isa naman ay nakasuot ng helmet na may nakapalibot sa leeg at lolobong gaya ng airbag kapag nakaramdam ng banggaan, at ibinaba sa magkakaibang taas sa laboratoryo para sa kunwaring aksidente sa pagbibisikleta.

“It was a big difference,” saad ng bio engineer na si David Camarillo, ng Stanford University.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo

Pangunahing sanhi ang aksidente sa bisikleta sa sports-related head injuries sa mundo dahil sa kakaunting nagbibisikleta.

Nakadisenyo ang conventional helmet para maprotektahan ang tao sa pinsala sa bungo, ngunit hindi nito napoprotektahan nang maayos ang tao laban sa mga injury tulad ng concussions, na maaaring mangyari kapag nabanat ang neuron sa utak dulot ng malakas na puwersa na natamo sa aksidente, ayon kay Camarillo.

Samantala, ang airbag helmet, na mabibili sa ilang bahagi ng Europe, ay matagumpay sa pagpoprotekta sa utak mula sa malakas na puwersa, ngunit may panganib din dahil maaaring hindi ito gumana.

“You can actually be at more risk of injury compared to a standard helmet,” ani Mehmet Kurk, miyembro ng research team na nagsagawa ng pag-aaral.

Kapag huling gumana ang airbag, hindi maaaring maging sapat ang pressure para makaiwas na tumama ang ulo ng tao sa lupa.

“These helmets are going to have failure modes different than conventional bike helmets, but there could be ways in which they are much safer,” sabi ni Camarillo. “You have to look at the relative risk.”

Inilahad naman ng Swedish company na Hovding, na gumawa ng airbag helmet, sa pag-aaral ng Stanford, na ang teknolohiya na ginamit para rito ay tiyak na subok at ligtas.

Gayunman, sinabi ni Camarillo na hindi sumasalamin sa bagong pag-aaral ang mga regulasyon ng Amerika sa posibleng panganib ng concussion at iba pang mga pinsala sa utak. Walang testing method ang Consumer Product Safety Commission, na nagre-regulate ng bicycle helmet, para sa mga inflatable version na helmet, dagdag niya. (Reuters)