Mainit na kampanya ang hatid ng magkapatid na American-born South Korean na sina Eric at Daniel Sandrin ang kampanya ng Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League (ABL) na magsisimula sa Nobyembre 25.

Kilala bilang Lee Seung-Jun, ang 38-anyos na si Eric Lee Sandrin ay matatandaan na nakasuntukan ni Ranidel De Ocampo na naglalaro noon para sa Air21 Express taong 2008.

“We want a unique combination for our team dahil magkapatid ang aming coaches at gusto din namin pati imports namin ay magkapatid,” sabi lamang ni Alab Pilipinas CEO Charlie Dy.

Si Lee ay una nang nagretiro bilang isang professional basketball player kung saan nakapaglaro ito sa iba’t-ibang bansa kabilang ang dalawang taon sa Luxembourg at isa sa Brazil.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbalik ito sa Amerika para sa Bellingham Slam noong 2005 kung saan nakasama ito at naglaro sa loob ng isang taon para sa Harlem Globetrotters kung saan nakuha nito ang pangalan na "Shanghai".

Naglaro din ito sa Los Angeles Lakers sa NBA Summer League at Sacramento Kings sa NBA preseason.

Kinuha ito ng Singapore Slingers kung saan dahil sa trash-talking nito ay nauwi sa suntukan sa miyembro ng kalaban na Air21 Express matapos na lusutan ito si de Ocampo matapos mag-dunk para ma-oubt-of-balance bago ito nasipa ni Homer Se sa sumunod na tagpo. Naglaro din ito para sa South Korea noong 2010 Asian Games.

Ang nakababata nitong kapatid na si Daniel Sandrin ay naglaro naman sa Korean Basketball League para sa Seoul Samsung Thunders sa pangalan na Lee Dong-Jun. Naging South Korean citizen ang dalawa noong 2009 matapos na itatwa ang kanilang United States citizenship. (Angie Oredo)