FLORIDA (AP) – Umiskor sina Princess Superal at amateur Regina de Guzman ng two-under 70 para sa isang stroke na paghahabol sa lider sa unang round ng National Women’s Golf Association at LPGA International-Jones nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Daytona Beach, Florida.

Nagtabla sa pangunguna sina Elizabeth Szokol, Riuxin Liu at Prima Thammaraks na pawang umiskor ng 69.

Nakasama sina Superal at De Guzman sa ikalimang puwesto nina Nannette Hill at Madeleine Sheils sa 54-hole event na nagsisilbing tune up tournament para sa pagbubukas ng LPGA Q-School Final Stage two weeks.

Naisalpak ni Superal ang dalawang birdie sa front para hindi masyadong masaktan sa naiskor na bogey sa No. 11.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ni De Guzman ang iskor na 36-34, kabilang ang apat na birdies at dalawang bogeys sa back nine.

Nagawang ma-birdie ni Szokol ang tatlo sa huling apat na hole para sa impresibong 69.

Nakatakda ang LPGA Q-School Final Stage sa Nobyembre 20-22 sa LPGA International-Hills.

Sumasabak din sina LPGA Tour cards sina Dottie Ardina, Cyna Rodriguez at Mia Piccio kasama si Fil-Am Claris Guce.