Sa kabila ng pahayag ni United States (US) president-elect Donald Trump na palalayasin nito ang hanggang tatlong milyong immigrants sa Amerika, hindi apektado ang maraming Pilipino doon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni outgoing DFA spokesperson Charles Jose na walang epekto ang bantang deportasyon ni Trump dahil legal at may citizenship status ang maraming Pinoy sa US.

Nagbabayad din ng buwis at sumusunod sa American laws ang mga Pinoy.

“As such, we presently do not expect President-elect Trump’s immigration pronouncements to have a calamitous impact on the Filipino community there,” ayon kay Jose.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magugunita na matapos mahalal na US president si Trump, sinabi niya na deportasyon o kulungan ang hahantungan ng hanggang tatlong milyong immigrants sa Amerika.

Target ng deportasyon ang mga may criminal records, gang members at drug dealers.

Inulit din ni Trump ang kanyang campaign promise na magtatayo ng pader sa Mexican border. (RAYMUND F. ANTONIO)