Pinag-iingat si Ronald Dela Cruz, ang lider ng Filipino community sa Saudi Arabia, ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na nakabase sa Najran Region, matapos ang magkasunod na mortar attacks sa hangganan ng bansa sa Yemen.
Ang nasabing pag-atake ay may kaugnayan sa bakbakan ng Saudi Forces at Yemeni rebels.
Pinapayuhan ni Dela Cruz ang mga Pinoy sa nasabing rehiyon na iwasan munang lumabas sa kanilang pinagtatrabahuhan o manatili sa kanilang tinitirhan kung wala namang importanteng pakay.
Mahigpit na mino-monitor ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang sitwasyong panseguridad sa Najran Region para alamin ang kalagayan ng mga Pinoy doon.
Handa ang Embahada sa contingency plan sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing lugar. (Bella Gamotea)