WASHINGTON (Reuters, AFP) – Asahan na ni President-elect Donald Trump na magigising siya sa mga tawag at kailangang maging mahinahon sa pagharap sa mga realidad ng kanyang bagong trabaho sa Enero 20, sinabi ni President Barack Obama noong Lunes.

Sa news conference sa White House, sinabi ni Obama na hindi na uubra ang pagiging outspoken ni Trump tulad noong kampanya.

“This office has a way of waking you up,” sabi ni Obama. “Those aspects of his positions or predispositions that don’t match up with reality, he will find shaken up pretty quick because reality has a way of asserting itself.”

Nagkita ang dalawang lalaki sa Oval Office noong nakaraang linggo para simulan ang pagsasalin ng kapangyarihan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nitong Lunes, sinabi ni Obama na naniniwala siya na si Trump ay magiging praktikal sa tungkulin at hindi idadaan sa pamimilosopo ang pagharap sa mga problema ng bansa.

“Because when you’re a candidate and you say something that is inaccurate or controversial it has less impact than it does when you’re president of the United States. Everybody around the world is paying attention. Markets move,” dagdag ni Obama.

Samantala, tumulak si Obama sa Atlantic nitong Lunes ng gabi para sa kanyang huling foreign trip bilang pangulo ng US -- sa Greece, Germany, at sa Peru para sa summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation forum (APEC).