CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Natupok ang malaking bahagi ng lumang gusali sa himpilan ng Masbate Police Provincial Office (PPO), kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, na dakong 1:30 ng umaga nang nagsimula ang sunog na bandang 5:00 ng umaga na naapula, kasunod ng ilang pagsabog sa kasagsagan ng sunog.

Ayon kay Calubaquib, ang narinig na sumabog ay ang mga bala at sangkap ng bomba na nasa Crime Laboratory.

Aniya, kabilang sa mga natupok ang tanggapan ng Police Community Relations, intel branch, supply branch, Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), PNP Internal Affairs Service (PIAS), National Police Commission (Napolcom) at Crime Lab. (Niño N. Luces)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar