PORMAL nang nagbukas ang C1 Originals Festival 2016 noong Linggo ng gabi sa Trinoma Cinema 7. Unang napanood ang Korean horror thriller na The Wailing sa direksiyon ni Na Hong-jin at bida sina Jun Kunimura, Jung-min Hwang at Do Won Kwak.

Sa mga mahihilig sa horror films, tiyak na exciting para sa inyo ang The Wailing dahil pahulaan kung sino ang pumapatay sa mga tao sa isang liblib na probinsiya.

Hindi na namin ikukuwento ang istorya para wala kaming maibigay na spoiler. Kumita ang pelikulang ito nang ipalabas sa Amerika nitong nakaraang Hunyo hanggang Setyembre.

Nagsimula namang ipalabas ang entries ng C1 Originals nitong Lunes, Nobyembre 14 at magtatagal ito hanggang Nobyembre 22.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagpapasalamat ang channel head ng Cinema One Originals na si Ronald Arguelles sa lahat ng sumusuporta sa festival sa loob ng 12 taon dahil maraming baguhang filmmakers ang nakakapag-share ng kanilang talento kaya nagiging daan ang Cinema One para makilala sila.

Bilang lang sa daliri ang mga artistang dumalo sa opening night ng C1 Originals Festival 2016 noong Linggo at ang nakita lang namin ay si Khalil Ramos na kasama sa pelikulang 2 Cool 2be 4Gotten.

Narito ang screening schedule ng pitong finalists sa kategoryang full length film.

Malinak ’Ya Labi, sinulat at idinirek ni Jose Abdel Langit. Bida sina Allen Dizon at Angeline Quinto, with Althea Vega, Marcus Madrigal, Menggie Cobarrubias, Dexter Doria, Richard Quan at Ms Luz Fernandez.

Mapapanood sa mga sumusunod:

Nov 17 (Thu): 12:30 PM – Trinoma

Nov 18 (Fri): 5:30 PM – Gateway

Nov 20 (Sun): 3:00 PM – Greenhills Theater Mall at 8:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 21 (Mon): 3:00 PM – Glorietta

2. Tisay mula sa direksyon ni Alfonso Torre (Borgy Torre), bida sina Nathalie Hart, JC de Vera, Gerhard Acao, at Joel Torre.

Mapapanood sa mga sumusunod:

Nov 17 (Thu): 8:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 19 (Sat): 3:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 22 (Tue): 12:30 PM – Gateway

3. Baka Bukas, sinulat at idinirehe ni Samantha Lee, bida sina Jasmine Curtis Smith, Louise delos Reyes, Kate Alejandrino, Gio Gahol, Nelsito Gomez, Cheska Iñigo, at Lexter Tarriela.

Mapapanood sa mga sumusunod.

Nov 17 (Thu): 9:15 PM – Greenhills Theater Mall

Nov 18 (Fri): 12:30 PM – Trinoma

Nov 19 (Sat): 7:20 PM – Gateway

Nov 20 (Sun): 2:30 PM – Glorietta

Nov 21 (Mon): 12:30 PM – Greenhills Theater Mall

Nov 22 (Tue): 6:00 PM – Cinematheque Center Manila

4. 2 Cool 2Be 4Gotten mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at idinirehe ni Petersen Vargas. Bida sina Khalil Ramos, Ethan Salvador, Jameson Blake, Peewee O’hara, Jomari Angeles, Joel Saracho, Mean Espinosa, at Ana Capri.

Ang screening schedules:

Nov 17 (Thu): 10:30 PM – Trinoma

Nov 18 (Fri): 2:10 PM -- Glorietta / 7:00 PM -- Greenhills Theatre Mall

Nov 19 (Sat): 3:00 PM -- Gateway / 5:10 PM -- Glorietta

Nov 20 (Sun): 6:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 22 (Tue): 8:00 PM -- Cinematheque Center Manila

5. Every Room is A Planet, sinulat at idinirehe ni Malay Javier. Sina Rap Fernandez, Valeen Montenegro, at Antoinette Taus ang bida.

Mapapanood sa mga oras at sinehan:

Nov 18 (Fri): 9:30 PM – Trinoma

Nov 19 (Sat): 5:10 PM – Gateway

Nov 20 (Sun): 3:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 21 (Mon): 5:00 PM – Glorietta at 10:00 PM – Greenhills Theater Mall

Nov 22 (Tue): 2:40 PM – Gateway

6. Si Magdalola at Mga Gago ni Direk Jules Katanyag, nasa cast sina Peewee O’Hara, Ricky Davao, Rhen Escaño, Josh Bulot, at Gio Gahol.

Mapapanood sa mga oras at sinehan:

Nov 17 (Thu): 8:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 19 (Sat): 12:00 NN – Glorietta

Nov 21 (Mon): 5:30 PM – Trinoma

7. Lily sa direksyon ni Keith Deligero. Bida si Shaina Magdayao kasama sina Rocky Salumbides, Natileigh Marie Therese Sitoy, at may special participation sina Lav Diaz at Eula Valdes.

Ang screening schedule:

Nov 19 (Sat): 6:00 PM – Cinematheque Center Manila at 7:00 PM – Trinoma

Nov 20 (Sun): 12:30 PM – Glorietta

Nov 22 (Tue): 4:00 PM – Cinematheque Center Manila

Para naman sa mahihilig sa documentary:

1. Piding -- Sinulat ni D.S. Chun at idinirehe naman nina Jim Jasper Lumbera at Paolo Picone.

Ang screening schedule:

Nov 18 (Fri): 12:30 PM -- Glorietta

Nov 20 (Sun): 4:30 PM -- Trinoma

Nov 21 (Mon): 6:30 PM -- Cinematheque Center Manila

2. Forbidden Memory ni Gutierrez Teng Mangansakan.

Mapapanood naman sa mga sumusunod na sinehan at oras

Nov 18 (Fri): 8:00 PM – Gateway

Nov 20 (Sun): 11:00 AM – Cinematheque Center Manila at 2:30 PM – Trinoma

Nov 21 (Mon): 8:00 PM – Cinematheque Center Manila at 9:00 PM – Gateway

3. People Power Bombshell (The Diary of Vietnam Rose) na idinirehe ni John Torres.

Ang screening schedule ay:

Nov 17 (Thu): 7:00 PM – Gateway

Nov 19 (Sat): 3:00 PM – Glorietta at 8:00 PM – Cinematheque Center Manila

Nov 20 (Sun): 6:15 PM – Trinoma

Nov 21 (Mon): 12:30 PM – Glorietta at 2:30 PM – Greenhills Theater Mall

Sa kategoryang World Cinema Winners.

1. The Salesman ni Asghar Farhadi (Iran)-Nov 16 (Wed) 5:15PM – Gateway; Nov 19 (Sat) 7:30 PM - Greenhills.

2. Slack Bay ni Bruno Dumont (France) – November 17 (Thurs) – 2:30PM – Gateway; Nov 20 (Sun) – 12noon – Greenhills; Nov 21 (Mon) – 2:30PM; Nov 22 (Tues) 12noon – Glorietta.

3. It’s Only The end of the World ni Xavier Dolan (France) – Nov 17 (Thurs) – 7:10PM – Gateway; Nov 18 (Fri) – 5PM – Greenhills; Sun)Nov 21 (Mon) – 8PM – Trinoma.

4. Embrace of the Serpent (Colombia) – Nov 17 (Thurs) 3PM – Trinoma at Nov 20 (Sun) 5PM Greenhills.

5. Swiss Army Man nina Dan Kwan at Daniel Scheinert (USA) – Nov 17 (Thurs) 5PM-Gateway; Nov 18 (Fri) 2:30PM – Trinoma at Nov 22 (Tues) 3PM Glorietta.