Pinagtibay ng House Committee on Health ang mga panukala tungkol sa paglalagay ng blood type sa identification cards (ID), mga sertipiko at lisensiya upang makatulong sa agarang blood transfusion sa panahon ng medical emergency.

Inaprubahan ng komite sa pangunguna ni Quezon Rep. Angelina Tan ang House Bill 1530 na inakda ni Mandaluyong City Rep. Alexandria P. Gonzales, gayundin ang kaugnay na HB 2064 ni dating Las Piñas Rep. Mark A. Villar, ngayon ay DPWH Secretary; at HB 3157 ni Magdalo party-list Rep. Gary C. Alejano.

Sa panukala, inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na ilagay ang tipo ng dugo o blood type ng isang indibidwal na nag-aaplay ng ID card, sertipiko o lisensiya. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'